doodles on my scratch paper~
Thursday, August 27, 2009
HE REPLIED, OH MY F*CKING GOD! SOOOO HAPPYYYYY!
This was his reply...
cge beshy bati na yau eto # ko 0909******* bati na tau ha
w8 ko txt mu
hihihi
beshy
Grabe, I'm sooo fucking happy. Finally! ^_______________^v
6:01:00 PM
Wednesday, August 26, 2009
Letter Of Reconciliation...
Hey. Musta na? Uhm. Medyo, weird to. Haha. Pero gusto ko sanang makipag-ayos sa’yo. Di naman nating matatangging naging mag bestfriend tayo dati. Tutal, magkaayos na rin naman kami ni Kwini, makikipagbati na rin ako sa’yo. Gusto ko kasi paggrumaduate ako, naayos ko na yung mga problema ko dati. Kaya makikipag-ayos ako sa’yo, if that’s okay with you. :] Anyways, ayun, kung meron mang akong dapat ikahingi ng tawad, I’m sorry. :]
Sana, mabalik yung dati nating pinagsamahan, wala naman sigurong masama diba? Bestfriends. Nothing more, nothing less. Ayun, sana magreply ka kung ayos lang sa’yong magkaayos tayo. But if you don’t reply, I’ll take that as a ‘no’. So yun, ingat ka na lang palagi. :]
[Sana pumayag siya no? Bukas or sa Friday, kapag wala pa siyang sagot. Paniguradong may makabagbag damdamin na naman akong BLOG. See you then...]
6:28:00 PM
Monday, August 24, 2009
'Til Death Do Us Part'
May ishi-share ako, isang malungkot na istorya ng pagmamahalang nauwi sa isang trahedya. Mga people, totoong nangyari ito sa tunay buhay.
Last year. May napabalitaan na dalawang alum ng school namin na namatay sa may intersection ng Daang Hari at Emilio Aguinaldo Highway. Mga students sa La Salle Dasma yung mga yun. Namatay sila dahil may driver ng isang private vehicle ang hindi nakakita sa kanila kaya nabangga nito sila.
Tumalsik sila sa lakas ng impact. Nasira ang bike na sinasakyan nila... Dinala pa sila sa ospital pero para dun sa lalaki, huli na ang lahat. Dead on arrival siya.
Naikwento sa amin ng girlfriend nung kuya nung namatay yung mga ilang nangyari bago sila namatay...
Kuhaan daw nun ng classcard nila. Parehas silang mataas ang nakuhang grades. Pumunta sila sa bahay nung lalaki. Nag-computer pa daw sila, nag-friendster pa. Eto yung pinaka nakakapanindig balahibong naikwento sa amin eh bago umalis yung dalawa, pinalitan pa nung babae yung shout out niya sa friendster and parang sinasabi na, I'll die when you die, parang ganun.
Yung guy, pinapakita sa nanay niya yung classcard niya pero sabi nung nanay, next time na daw. Nagpaalam na silang umalis, ihahatid pa kasi nung guy yung girl sa bahay niya. Ewan ko kung bakit nag-bike pa sila.
So ayun, sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, nabangga sila. Masyadong mabilis ang mga pangyayari... Yung driver ng sasakyan, isang bata-batang engineer. Sinasabing hindi sila nakita.
Isinugod sila sa ospital pero Dead On Arrival yung lalaki. Yung girl naman nagising but when she found out na wala na yung guy... nawala na rin siya. She did died, tulad ng sabi niya dun sa shout out niya.
Grabe. Nung kwinento sakin to nung ate ko na tropa yung girlfriend nung kuya na namatayan. Kinilabutan talaga ako. Kasi since highschool pa sila eh. They really do love each other.
Nung nalaman nga daw nila yun, nasa kalagitnaan daw sila ng outing. May tumawag sa kanila, yun nga sinabing naaksidente. Hindi na daw sila nag banlaw galing sa swimming at nagbihis diretso. Nag-jeep pa sila, lahat daw nakatingin sa kanilang magbf kasi iyak sila ng iyak.
Pagdating daw sa ospital, nagwawala na yung kuya na namatayan. Hinahanap yung kapatid niya, which is yung guy na patay na. May dumaan na kama, tinanggal niya yung white cloth, nung hindi niya mamukaan, binalik niya yung puting tela, not knowing yun na yung kapatid niya. Sobrang laki daw nung damage na naidulot sa kapatid niya.
Yung mom naman nung namatay na lalaki. Napakalaki ng pagsisisi. If only she knew na kapag tinignan niya yung classcard ng anak niya eh mas hahaba pa ang buhay nun, if only she knew na bike lang ang gagamitin pipigilan niya ito at aabutan ng pamasahe, if only she knew na mawawalan na siya ng bunso... she would do anything to stop it. Pero, huli na ang lahat. Parehas na silang wala.
Naikwento rin sa akin na yung puntod nila eh magkatabi. Sabi kasi ng parents nila, siguradong magugustuhan ng mga anak nila yun. Forever silang magkatabi. Hindi lang sa puntid pero hanggang sa langit...
In Loving Memories of JC and Carlene...
Labels: Love. Death. Memories.
5:47:00 PM
Sunday, August 23, 2009
Memories...
Naalala ko yung mga 'Happy Moments' naming dalawa nung mag best friend pa kami. Kagabi, isang matinding pagmumuni-muni ang ginawa ko. Kakaisip ko ng ipo-post dun sa story ko, di ko namamalayang umiiyak na ako. Buti na lang tulog na yung pinsan ko sa taas ng double deck. ^____^v
Naalala ko ng sabihan nya akong, parang best friend na niya ako. Sabi ko, edi bestfriends tayo. Ang gago ko, hindi ko inisip na grinab ko yung opportunity na saktan pa lalo yung sarili ko.
Naalala ko yung first time na tabihan niya ako. Di ko inaasahan yun. Hiyas ng Wika kasi nun, wala kaming ginagawa. Ayaw naming manuod sa Gym, may program kasi. Ang init kaya dun, kaya adun kami sa main building ng school, nakaupo sa sahig. Nakikinig ng iPod. So ayun, tumabi siya, Sakto ang kanta, If I Was The One by Ruff Endz. Sakto talaga bawat linya eh. 'Someday I pray that I'll find the strength, to turn to you and say, If I was the one who was loving you baby, the only tears you've cry would be tears of joy.' Tsaka ito, "If I was the one in your heart.''
Naalala ko nung dalawa lang kami sa gym, nakaupo sa mga monoblock chairs. Nakikinig ulit ng iPod. Di ko na maalala yung pinakikinggan namin. Tapos bigla siya tinawag ni Harry, amp yun. Panira ng moment. Basketball daw sila. Ayaw niya pa akong iwanan ako pero sabi ko ayos lang, uuwi na rin naman na ako. Ngumiti siya sakin sabi niya, tignan mo, para sa'yo tong ishu-shoot ko na three points. Napangiti ako palihim nung tumakbo na siya papuntang court. Dun sa line ng three-points. Tumingin siya sakin, tapos sa may court then he shoot the ball, ring less, lumingon siya sakin then he flashed his fucking killer smile.
Naalala ko niyaya ko siyang magsimba, he said yes. Kinahapunan, he texted me na mag-iinom lang sila ng tropa niya. I said no, sinabi ko ring na magagalit ang girlfriend niya. Pero matigas ang ulo hindi ako sinunod. Then kinagabihan he texted me again, asking me for my landline number, tatawag daw siya. Binigay ko naman. Tumawag siya minutes later. Rinig sa kabilang linya ang ingay, kasiyahan at kalokohan. Pero may hindi ako inaasahang marinig. Sabi niya, "Akala nila si Elizabeth ka kaya sila naghihiyawan." Nalungkot ako bigla. Syempre, pumeke ako ng tawa. Nag change topic ako. Kahit masaya yung topic nun, hindi niya alam nagpupunas ako ng luha. Masakit kaya,
Then, after ng conversation. Hours after he texted me again, saying he can't make it tomorrow. He's to drunk daw, Suka nga daw siya ng suka. Pinagbigyan ko sabi ko, sige next time na lang. Not knowing na wala na palang next time.
Kinagabihan ng kinabukasan. (LOL.) Nakatext ko yung isa ko ring dating bestfriend, girl naman ito. She said nanggaling sakanila si Kim and Elizabeth. I was like shock. Akala ko ba mag-stay lang siya sa bahay? Akala ko ba hindi siya aalis? Akala ko ba... Akala ko....
Nagtampo ako sa kanya. Hindi ako nag-text. Hindi ako nagparamdam. Galit ako sa kanya. Sinungaling siya. Sa panahong ito, bulag pa rin ako na ito na yung mga signs na kaya niya akong iwanan para sa girlfriend niya.
Naalala ko kinabukasan, iniwasan ko siya. Hindi ko siya pinansin. Matatapos na ang break time namin nun, nag-cutting na naman siya para kay Elizabeth. Hindi ako kumikibo. Umalis na ako, umakyat sa taas. At kamalas-malasan nga naman. Nakalimutan kong bumili ng construction paper. Bumaba na naman tuloy ako, praying that he won't notice me. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Nakita akong bumibili, lumapit sa akin. Pinalambot ang nagmamatigas na puso ko. Hinding-hindi ko makakalimutan yung mga sinabi niya...
" Ciara, patawarin mo na ako. Please! Promise hindi na kita kukulitin, patawarin mo lang ako! Sige, ganito na lang, patawarin mo lang ako lalayo na ako. Sige na!"
Hindi ko pa rin pinansin kahit pinagtitinginan na kami ng tindero't tindera sa bookstore ng school. Umalis ko pagtapos kong magbayad. Pinagpapawisan na talaga ako ng sobra-sobra. Patuloy pa rin siya sa pagbuntot at pag-sorry. Pinapaypayan niya pa nga ako. Natatawa na ako sa ginagawa niya. Napansin niya pala. "Dali na! Uyyyy! Natatawa na siya sakin! Bati na kami niyan!" Deadma pa rin ako. Papakyat na kami, nasa likuran namin si Elizabeth. I even heard her say, "Ciara, patawarin mo na Beshy mo."
Naalala ko pang sobrang bilis ko ng maglakad, he kept his phase with me hanggang tumapat na sa classroom ko na katapat ng classroom niyang, hindi niya pinasukan. Nakita siya ng mga kaklase niya kaya napatakbo na siya papalayo. Natawa ako. TAE. Ang dali niyang patawarin, ang sakit,
Naalala ko ng may Dodolon Amusement Center pa sa Lotus Mall, andun kami sa VIP room dahil mahilig kaming magkantahan. Magkaabi kami ni Kim, nagbabasa ng text messages ng babaeng may gusto sa kanya, 1st yr lang yun, 2nd yr kami ng time na yun. I actually admired her, ang lakas ng loob niyang mag-confess. Samantalang ako, abot kamay na, hindi pa rin kaya. Nakasandal yung ulo ko sa balikat niya at nagbabasa ng text, tawa kami ng tawa. Nakakatawa naman kasi talaga yung pinagsasabi niya. Naalala ko nung araw na yun, feeling ko 'kami'. Kasi kami yung palaging magkasama nun eh.
Naalala ko nung may sakit siya. Absent si Elizabeth. Ako yung nag-alaga sa kanya sa school, nangungulit sa kanyang isuot yung jacket niya. I ended up wearing it instead. (LOL) Nagpapaalalang inumin yung gamot niya. Taga-check kung mataas temperature niya. Nurse na nga, parang girlfriend pa. Substitute kumbaga.
Naalala ko pang tinanong ko siya. "Mahirap ba akong mahalin?" Nagmaganda ako, nagtapang-tapangan para tanungin siya. (LOL.) "Hindi naman. Actually, ideal ka nga eh. Strict ka sa mga bisyo, isa sa mga gusto. Malambing. Makulit. Mapagmahal. Kaya ka nga minahal ni Alex." (LOL.) Naisip ko. Bat napunta sa usapang ito ang ex ko?!
Naalala ko nung nasugatan siya. Nagtaka ako, bakit hindi siya tumakbo sakin? Mas malapit naman siya sakin? Bakit kay Jazmine? Bakit sa kanila lang? Parang lumalayo siya sakin?
Hindi ko alam. Ito na pala. Lumalayo na pala talaga siya.
Naalala ko isang beses, bago pa nangyari itong paglayo niya, close na close pa kami nun, I asked him something. "Sino ang pinakabestfriend mo sa lahat ng bestfriend mo?" He said, ikaw, 99%. Sabi ko bakit 99% lang. He said yung iba para sa 1%. Natawa ako. Importante pala talaga ako sa kanya.
Pero nung medyo nagkakalabuan na. Tinanong ko ulit siya. "Sino ang pinakabestfriend mo?" he said, Kayo ni Anamy. I asked ilang percent na lang. He said tigkalahati. So 50%? Ganun na lang?! 50/50 na rin pala ang pagkakaibigan namin nung oras na yun.
Isa sa mga huling alaala ko sa kanya. Nagkasalubong kami sa harapan ng Lotus Mall. Pumapasok pa rin siya sa school, malabo na ang lahat sa pagitan namin. Magulong-magulo na. Pinagsalubong kami ng tadhana. Walang tinginan. Nilagpasan namin ang isa't isa na parang walang friendship na namagitan sa amin. Tapos na nga ang lahat.
Tama nga sila. Makikita mo yung tao pero hindi mo na mababalikan yung dating pinagsamahan. Makikita mo nga araw-araw yung lugar pero hindi mo siya kasamang nagre-reminisce. Kumbaga parang isang bintana na lang siya kahapon. Dapat ng isara, dapat ng kalimutan.
9:36:00 AM
Saturday, August 22, 2009
Umaasa pa rin akong babalik ka.
Aasa. Kaya mo ba?
Ako, kinaya ko.
Umaasa. Hanggang ngayon?
Sobra. Hanggang ngayon.
Umasa, Hindi pa.
Hindi pa kasi ako tapos sa 'umaasa' part.
Masakit ba?
Oo naman. Kahit alam mong wala ka ng saysay sa kanya, tuloy ka pa ring umaasa. Umaasa sa taong hindi ka na naaalala.
2 years na pala. Hindi ko akalaing hanggang ngayon siya pa rin. Hahaha. TAENA. Ang adik naman. 2 years na eh, siya pa rin? Grabe namang pag-asa yun!
Pero sa araw-araw na sinasariwa ko ang nakaraan. Parang kahapon lang ang nagdaan. Teka nga, may nakaraan nga ba talaga? Oh. Wala nga pala.
Bestfriend nga lang pala ako sa paningin niya. Isang bestfriend na inaakala niyang on-of-the-boys na nakakaintindi sa mga kalokohan niya, kausap sa mga bagay na hindi naiintindihan ng isang babae, at takbuhan niya sa tuwing sinasaktan siya ng girlfriend niya.
Akala niyo ba madali? Hindi no! Ang hirap kaya! Kaya mo bang ngumiti bawat oras na nasa harapan mo siya pero ang nararamdaman mo ay sobrang sakit.
Makita mo nga lang na magka holding-hands sila eh, akala mo mamatay ka na, TAENA. Ang emo.
Kung ang pagpigil ng luha ko sa harapan niya, masakit na. What more kapag humihingi siya ng tulong para magkaayos sila diba?
Ako namang si tanga, oo lang ng oo. Sige lang ng sige. Makita lang na masaya siya, ayos na.
Akala ko sooooobrang magtatagal yung pagiging bestfriend namin. Yun pala, hindi. But it was for the worst.
Bigla na lang siyang umiwas, wala akong kahinahinala... Alam na niya pala. Alam na pala nila yung nararamdaman ko. Apparently, may nagsumbong. 'I never should've trusted someone about my feelings towards him.' Yan ang lagi kong iniisip.
Kapag naaalala ko yang nakaraan na yan. Iniisip ko yang, 'darkest days' ng buhay ko.
Bakit? Ipagkalat ba namang nanulot ako? Ipagkalat ba namang malandi daw ako? Ipagkalat daw bang nakipaghalikan ako?
Lahat naman yan kasinungalingan eh.
Wala akong sinulot. Wala akong nilandi. At higit sa lahat, birhen na birhen ako pati labi ko!
Kung ano-anong tsismis ang kumalat. Kung ano-anong paratang ang natanggap.
Hindi ko alam, may mas malala pang darating...
Dahil sa mga nangyari nuon sa school ko, hindi na ako nagpapapasok ng school, kung wala ako sa school nasa net shop ako kahit naka uniform. Kung nasa school naman ako, nasa library ako pero hindi naman pumapasok sa klase. Hanep no?
Unfortunately, hindi lang ang pag-aaral ko ang naapektuhan. Pati ang kalusugan ko. Bigla-biglang sumasakit yung dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. May sakit na pala ako. Kung hahawakan mo ang dibdib ko, makakapa mong hindi pantay. Astig eh no?
Nung mga panahong iyon, dun ko na-appreciate yung mga taong mahal pala talaga ako. Ang pamilya ko at yung dati kong manliligaw na binasted ko. LOL.
Ngayong 2 years na ang nakalipas, unti-unti na kaming nagkakaayos nung girlfriend nuon ng bestfriend ko. Pero siya na lang ang hindi... umaasa pa rin akong siya ang lalapit. Siya ang manghihingi ng sorry.
Sorry na lang ako, malas ako eh. Manhid yung minahal ko.
Naalala ko nung nagkita kami, a year ago. Nagkatitigan kami sa entrance ng mall. Sa Lotus mall sa Imus. Umiwas ako ng tingin tapos pumasok ako agad. Nagpatagal ako sa loob ng mall, umaasa na sana umalis na siya.
Pinilit ako ng tropa ko na lumabas na, baka nga naman wala na eh. Ano bang malay ko, unless makita ko diba? As if namang paglalaan niya ako ng isa pang tingin.
So yun nga, lumabas kami. Sa ibang direksyon ako tumingin ng nalaman kong nakatambay pa rin siya sa gilid ng mall kaya binilisan ko ang lakad ko. Binulungan ako ng tropa ko... 'Tinitignan ka niya.' I didn't bother to look back. Ayoko na. Tama na. Masakit na. Bakit kailangan niya pa ulit magpakita diba? Akala ko kasi ng mga panahon na yun, wala na akong nararamdaman sa kanya. Hindi pala siya pa rin pala.
Sobrang bilis ng paglalakad ko nung oras na yun, malapit na ako sa sakayan ng jeep ng makita ko siyang papalapit. Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo. Defense mechanism siguro. Ayaw na siya ng utak ko, pero gusto pa rin siya ng puso ko.
Nung isang araw, naka-chat ko si KC, Keila at Shobe. Tungkol sa pagiging martyr ang napag-usapan. Natatawa ako sa mga sinabi ko. Parang hindi ako nagdaan sa experience na yun. Pero napansin ko rin napaka-bitter kong magsalita. Walang ya.
Nakapag usap-usap na makipagpalitan ng pics ng mga lalaki. Picture niya ang naisip kong ipost. So yun, hinanap ko yung friendster niya. Nagulat ako ng makita kong 'PRIVATE PROFILE'. Biglang bumagsak yung luha ko. Di ko maintindihan. Taena. Hanggang ngayon siya pa rin pala.
Nag emote ako. Mukha akong gago. Nag emote ako sa mga ka-chat ko.
Biglang may idea na pumasok sa utak ko. Bakit siya magiging PRIVATE PROFILE kung nahanap ko siya 'friends in common' ngmin nung kaklase ko?!
Naalala kong nagloloko pala ang friendster nun. Napaisip ako. So parang pinagtitripan ako ng tadhana? Umiyak ako dahil sa letsugas na akala ko binura niya ako sa list niya, yun pala kagaguhan lang ng FS! AMP.
So na isip ko... TANG INA. Umaasa pa rin akong babalik ka.
Ayoko na. Ang hirap ng umasa
Labels: Love. Heartbreaks.
3:47:00 PM
Thursday, August 13, 2009
FRIENDSSSS.
Ayown. Ang iba-blog ko ngayon ay ang mga uri ng friends mo, friends ko, at friends ng lahat! Yes, mapa-back fighter to virtual friends and best friends ito.
So yun nga. Minsan akala natin, yung mga nasa paligid natin eh yung 'true friends' na natin. Hindi mo lang sa paglipas ng panahaon, magta-transform yang mga yan! Malalaman mo na lang, sa isang iglap, magkagalit na kayo. May issue na ipapakalat na tungkol sa'yo na hindi totoo. Gagantihan mo rin naman!
So eto, mga ibang klase ng kaibigan.
leech- eto yung mga klase ng kaibigan na saka lang lalapit sayo kapag may kailangan. Aba! Mag-ingat ka dyan! Future gold-digger yan. :)
backfighters- eto yung mga taong mabait sa harapan mo, maninirang puri kapag nakatalikod ka na. Tiwalang-tiwala kang safe ang mga pinagsasabi mo sa kanya, bukas naka-broadcast na yan. Mag-ingat ka lalo dyan, baka dyan ka masira. ;)
best friend- eto yung taong kahit anong baho ang malaman niya sa'yo, safe na safe. Tanggap na tanggap ka. Kilalang kilala ka. Siya yung taong sasagip sa'yo sa panahong mangangailangan ka, hindi ka tatakbuhan. Always welcome, kumbaga. Kung anong mali ang makikita niya sa'yo, deretsahan niyang sasabihin. Hindi yung sa iba mo pa malalaman. ;)
old friends- in other words, childhood friends! Eto yung mga taong matagal mo ng kilala, sagad sa buto! Merong bond sa inyo na hindi basta-basta na sisira kaya hanggang ngayon friends pa rin kayo!
barbers- saksakan sa pagka tokshit. kesa hoda, kamag anak niya si ganyan, may ganito siya, nakita na niya si ano, kakilala niya si ganyan. basta, lahat ng hangin na nasa atmosphere nalanghap na niya ata.
signal numbah four- kamag-anak ito ni barbers, saksakan naman ito sa yabang! Kung yabang ang pinag-uusapan, hindi papatalo!
wild- eto yung mga taong laitera/laitero. mahilig mang-okray ng kahit sino, kahit mapadaan lang. kadalasan mga 'bading' yan or mga saksakan sa kaartehan. or sadyang past-time niya lang manlait!
bossy- eto naman yung, si utos dito, utos dyan.Habit niyang man-terrorize ng tao. Feeling niya wala kayo kapag wala siya.
virtual friends- madami ako nyan! sila yung mga taong naghahanap ng karamay sa internet or sa cellphones. in other words, chatmates at textmates. kadalasan ng may mga virtual friends ay hindi makapaglabas ng sama ng loob sa mga kaibigan nila talaga, kaya sa mga hindi nila personal nilang kakilala sinasabi. Pero, pero, pero! Mag ingat kayo, sa mga panahong ito, maraming manloloko at sinungaling. Wag basta-bastang makipag EB, baka dyan tayo magkandaloko-loko! :D
and last but not the least...
friends with benefits- mga kids, bawal pa satin to. eto yung mga kaibigang kailangan sa you know... sex. Kung kailangan mong ilabas yang init ng katawan mo, ayan ready siya. :D
Kumabaga, casual niyo lang ginagawa. Emotionally detached kayo. Simple as that, sa sex lang bumabalot ang friendship niyo. Ewan ko lang sa iba. :]]
So ayun, obvious naman na sana ang best friends at old friends ang meron sa ating lahat. Pero mag-ingat pa rin tayo. Everything changes. Even people. Baka magbago sila, patay ka! Kaya kung saan lang kayo nakakasigurado, dun lang kayo magsabi ng secrets niyo. ^_________^v
6:12:00 PM