doodles on my scratch paper~
Wednesday, September 30, 2009
MY *ehem* LOVABLE *ehem* VIRTUAL FRIENDS.
Hindi ko ma-eenjoy ang internet world without them. >_______<
SAB
sabi niya, DEMANDING daw siya.
ang masasabi ko?
OO! Hahaha. Lalo na kapag maga-update ng story.
Labyu, ATE! :D
iene :)
sabi niya nag TOP 1 daw siya sa SL TRAIN.
Hahaha.
Isa siya sa mga plurk buddies ko.
Makulit kausap. Haha.
JHA.
Si KILITIII!
Haha.
Kakulitan ko rin 'yan sa plurk.
At syempre, co-Banana.
Chaymin
Ewan ko ba ba't sinama ko yan.
Hahaha.
Samantalang kaklase ko yan. Haha.
Wilma
Ang labs ko!
Reader ko siya sa mga stories ko,
plurk buddy rin.
Labs ko yan! :-*
Kristelle
Reader sa story ko at
kausap ko rin siya sa plurk.
Zai
Ang napakakulit na si Zai! WEEE!
Hahaha.
Pasaway na bata yan.
Hahaha.
Alena
Isa sa mga new found friend ko.
Hahaha.
Nag-iisip pa kami ng callsign.
Wait niyo na lang.
Hahhaa.
Keila
Isa siyang BETERANO!
Oh yeah!
hahaha.
Ka-confe,
ka-plurk,
ka-ttalk!
ARF-ARF!
Hahaha.
Rayne
Si Madam!
Nakooo!
Kung sino kamang bumasag sa puso niya,
patay ka sakin!
Hahaha!
Miguel must die!
Hahaha!
SABAW. :P
Kaycee
We consider ourselves as virtual 'best friends'!
Oh yeah! Meron ba kayo niyan?
Hahaha.
Labasan ng sama ng loob tungkol sa ate ko, laplyp, name it! Etc!
Hahaha.
Lamyuuu, my virtual friends!
Without you, my internet world would suck,
BIG TIME. :D
9:58:00 PM
Tuesday, September 8, 2009
Kilig. Ako'y kinikilig. >________<
It's been a long time since naramdaman ko yang feeling na yan. At kanina, naramdaman ko ulit ito. Mababaw kasi ako eh. Pero hindi inaakalang papakitaan niya ako ng shining shimering splendid niyang killer smile! >_________<
Kasi naman eh, hindi naman ako treasurer pero sa akin nagbayad yung mga officers ng section namin para sa Soc-Sci. Eh naawa naman ako dahl ang haggard na ng mga mukha nila kaya pumayag ako. Naisip ko naman, shet! BWAHAHA! Masisingil ko si crush!
Kaya ayun, ang dami ko ng na singil pagdating ng Bookkeeping. Pumunta ako sa likuran kung saan siya nakapwesto kasama ng tropa ko. Siningil ko siya.
Nagulat ako ng ngumiti siya! Tapos tinanong niya kung magkano, syempre sabi ko sampu. Ngumiti ulit! TAE. Pa-cute talaga! Feeling ko hihimatayin ako nun! A smile is creeping on my face!
Tinanong niya naman kung magkano lahat-lahat. So umalis ako sa harapan nila at pumunta sa ibang officers at ayun, 100 daw per person! May 10 peso kick-back yan! (LMAO)
Bumalik ako sa kanila at syempre baon ang aking killer smile din, kaya ayun, hahaha. Nginitian niya ulit ako. Hayyy~ Kilig.
Kaya lang, madaling binawi yung kilig ko. Lumabas siya kasi tinawag siya ng gf niya. AMP. Panira talaga ng moment yung bitch na yun. :D
Sana bukas may kilig factor ulit! >________________<
10:37:00 PM
Monday, September 7, 2009
JABBAWOCKEEZ FEVER.
JABBAWOCKEEZ FEVER, nahawaan ako nian! Sobraaaa!
Pumunta kami sa Glorietta, tae. Anong oras na nun?! 5:30 PM na, eh ang start nun 6:00 PM. Sabi naman ng bf ng Ate ko, hindi pa daw yung magsisimula kasi wala pa daw siya dun, kasama daw kasi siya sa Jabbawockeez, hahaha! KAPAL.
Nagtanong-tanong kami sa guard kung saan yung venue ng performance nila. Sabi sa baba daw, nasa taas kasi kami nun eh. Binaba tuloy namin yung two floors, nagulat kami narinig naming nagsisigawan na. Binilisan ko yung lakad ko, tinatawanan ako nila Ate, halata daw na excited na ako. Hahaha. Sino bang hindi?! So ayun, pagkalabas na pagkalabas namin sa pintuan. Ang nasabi ko lang, "Shet. Ang daming tao."
Sobrang dami ng tao promise! At sa pagkakaalam ko, malamig nun eh, naka-jacket pa nga ako eh. Pero pagdating ko dun, huwaw, dinaig ko pa ang nasa Sauna! Sumiksik kami sa kumpol-kumpol ng tao. Partida, sugatan pa yung paa ng ate ko, pagaling pa lang. Kaya lang sa kalagitnaan ng pagsiksik namin, kumakanta na si Billy Crawford! At napansin naming hindi namin makikita ang Jabbawockeez sa pwesto namin!
So nag-retreat kami. Balik kami sa entrance ng mall, huminga onti. Tapos sumabak na ulit kami sa gyera. Hahaha. Pumunta kami sa kabilang side, pumwesto kami sa may malapit sa projector. Sakto namang kita sa pwesto namin yung stage, si Ate at Kuya lang ang nakakakita. AMP. Paano naman ako? So ayun, naawa si Kuya, nagulat ako nilagay sa ilalim ng kili-kili ko yung kamay niya at binuhat nga ako. Nakita ko na sila! Weee! Dalawang beses akong binuhat ni Kuya. Para makita sila. Amp nga eh, dyahe, pawisan kaming lahat! So ibig sabihin, basa ang kili-kili ko, hahaha! Salamat na lang at mabango ang aking Deodorant at effective. Walang putok. Hahhaa.
Anyways, natapos ang sayaw nila sa kanilang Finale na ang tugtog ay Knock You Down. Parang naglalakad lang sila. Hahha. tapos pagharap saka tinanggal yung mga masks nila.
Si Kaynan Paguio yung nagsalita on behalf of the group, pinakilala niya lahat. Nakaktuwa nung nagtagalog siya. Sabi niya, "Maraming salamat sa inyong lahat!" Tapos si Billy nagtanong kung sino gustong bumalik sila, halos lahat nagsitaasan ng kamay. Sino ba namang hindi papayag diba? Pinoy pride kaya sila! >______________<
Tapos nagulat kami biglang sumigaw si Kaynan, "Say Hey!" Edi gaya naman yung audience, "Hey!". Paulit-ulit lang yun. Tapos biglang sumigaw ulit, "Say Baba-eh!" Sigaw naman yung lahat na halong natatawa. Tapos bago sila umalis, syempre pinakita muna nila yung sign nilang ONE FOR GEE.
Grabe, worth it, kahit hindi kami sa harapan nakapwesto. Yung feeling lang na nandun ka at kasama ka sa history nung una nilang pagperform dito sa homeland ng 4 na Jabba. So, sana sa uulitin, nasa harapan na kami para mas masaya! >________________
Nagbigay sila ng Michael Jackson Tribute Routine, remix siya ng PYT, Rock With You (which is my favorite), tapos iba pang MJ songs. Sinayaw rin nila yung Apologize, kaasar nga eh, dinumog yung pwesto namin. Mura na ako ng mura dahil sa mga ulong nakaharang sa view ko. Tapos sobrang tumili ako kasi unexpected talaga sa part ko na sayawin nila yun Love In This Club Remix. Nakakakilig kasi! Hahaha! Ang kulit pa nung routine! Pati isa sa mga fave kong sayaw nila eh yung Lean With It, Rock With It. Lahat talaga, as in yung buong crowd sumasabay sa kanta.
Labels: Jabbawockeez.
12:45:00 PM
Friday, September 4, 2009
Isa akong salawahan.
OMFG. Hahaha. Ako? Salawahan? Hahahaha. Ni isang lalaki nga ngayon wala akong ka-relasyon eh, magsalawahan pa kaya?
Kasi naman eh, last August 27, 2009, nagbalik luob ako sa bestfriend ko na alam ko sa sarili kong mahal ko pa. Though 2 years na ang nakalipas nga diba? Pero ngayon. parang nafi-feel ko na pumayag lang siyang magkaayos kami eh para may magload sa kanya, may makatext siya kapag walang nagti-text sa kanya, at kung ano-anong panti-take advantage! Pero, promise ko sa inyo, itaga niyo to sa kahit anong bato, mapa-diamond man o swarovski lang, :] Hindi ako magpapagamit sa kanya. Hahaha. Siya ang gagamitin ko! ;]
Anyways, kaya ko nasabing salawahan nga ba ako, eh dahil sa crush ko! >_______________< Kasi naman eh! Kasalanan ko bang tinitigan niya ako nung nagre-report ako kanina?! TAE naman. hanggang ngayon kinikilig pa rin ako! HAHAHA!
Kasi kanina sa TLE, reporting namin, about sa Biscuits yun, eh sa group namin natapat kaya ayun, tsuge. ako ang pangalawa sa nag-report. So ayun, habang hawak ko yung Buttercream at Cream-O at nag-eexplain ng dalawang klase ng biscuit eh napunta ang mata ko sa kanya, at first time ko siyang nakitang hindi natutulog sa klase at take note! pinapabuood akong magreport! hahaha! KILIG!!! I know, right! >_____________<
But the saddest part is one year na silang mag-on ng mortal enemy ko sa schoooooool!
Kainis eh! Type na type ko siya! Marami silang similarities ng bestfriend ko. Parehas silang maangas, parehas singkit, parehas gwapo, parehas matangka, parehas killer smile. Pero itong bago kong crush? Mas mysterious siya!
I wonder hoe when will they break up? :))
8:04:00 PM