doodles on my scratch paper~
Thursday, August 13, 2009
FRIENDSSSS.
Ayown. Ang iba-blog ko ngayon ay ang mga uri ng friends mo, friends ko, at friends ng lahat! Yes, mapa-back fighter to virtual friends and best friends ito.
So yun nga. Minsan akala natin, yung mga nasa paligid natin eh yung 'true friends' na natin. Hindi mo lang sa paglipas ng panahaon, magta-transform yang mga yan! Malalaman mo na lang, sa isang iglap, magkagalit na kayo. May issue na ipapakalat na tungkol sa'yo na hindi totoo. Gagantihan mo rin naman!
So eto, mga ibang klase ng kaibigan.
leech- eto yung mga klase ng kaibigan na saka lang lalapit sayo kapag may kailangan. Aba! Mag-ingat ka dyan! Future gold-digger yan. :)
backfighters- eto yung mga taong mabait sa harapan mo, maninirang puri kapag nakatalikod ka na. Tiwalang-tiwala kang safe ang mga pinagsasabi mo sa kanya, bukas naka-broadcast na yan. Mag-ingat ka lalo dyan, baka dyan ka masira. ;)
best friend- eto yung taong kahit anong baho ang malaman niya sa'yo, safe na safe. Tanggap na tanggap ka. Kilalang kilala ka. Siya yung taong sasagip sa'yo sa panahong mangangailangan ka, hindi ka tatakbuhan. Always welcome, kumbaga. Kung anong mali ang makikita niya sa'yo, deretsahan niyang sasabihin. Hindi yung sa iba mo pa malalaman. ;)
old friends- in other words, childhood friends! Eto yung mga taong matagal mo ng kilala, sagad sa buto! Merong bond sa inyo na hindi basta-basta na sisira kaya hanggang ngayon friends pa rin kayo!
barbers- saksakan sa pagka tokshit. kesa hoda, kamag anak niya si ganyan, may ganito siya, nakita na niya si ano, kakilala niya si ganyan. basta, lahat ng hangin na nasa atmosphere nalanghap na niya ata.
signal numbah four- kamag-anak ito ni barbers, saksakan naman ito sa yabang! Kung yabang ang pinag-uusapan, hindi papatalo!
wild- eto yung mga taong laitera/laitero. mahilig mang-okray ng kahit sino, kahit mapadaan lang. kadalasan mga 'bading' yan or mga saksakan sa kaartehan. or sadyang past-time niya lang manlait!
bossy- eto naman yung, si utos dito, utos dyan.Habit niyang man-terrorize ng tao. Feeling niya wala kayo kapag wala siya.
virtual friends- madami ako nyan! sila yung mga taong naghahanap ng karamay sa internet or sa cellphones. in other words, chatmates at textmates. kadalasan ng may mga virtual friends ay hindi makapaglabas ng sama ng loob sa mga kaibigan nila talaga, kaya sa mga hindi nila personal nilang kakilala sinasabi. Pero, pero, pero! Mag ingat kayo, sa mga panahong ito, maraming manloloko at sinungaling. Wag basta-bastang makipag EB, baka dyan tayo magkandaloko-loko! :D
and last but not the least...
friends with benefits- mga kids, bawal pa satin to. eto yung mga kaibigang kailangan sa you know... sex. Kung kailangan mong ilabas yang init ng katawan mo, ayan ready siya. :D
Kumabaga, casual niyo lang ginagawa. Emotionally detached kayo. Simple as that, sa sex lang bumabalot ang friendship niyo. Ewan ko lang sa iba. :]]
So ayun, obvious naman na sana ang best friends at old friends ang meron sa ating lahat. Pero mag-ingat pa rin tayo. Everything changes. Even people. Baka magbago sila, patay ka! Kaya kung saan lang kayo nakakasigurado, dun lang kayo magsabi ng secrets niyo. ^_________^v
6:12:00 PM