doodles on my scratch paper~
Sunday, August 23, 2009
Memories...
Naalala ko yung mga 'Happy Moments' naming dalawa nung mag best friend pa kami. Kagabi, isang matinding pagmumuni-muni ang ginawa ko. Kakaisip ko ng ipo-post dun sa story ko, di ko namamalayang umiiyak na ako. Buti na lang tulog na yung pinsan ko sa taas ng double deck. ^____^v
Naalala ko ng sabihan nya akong, parang best friend na niya ako. Sabi ko, edi bestfriends tayo. Ang gago ko, hindi ko inisip na grinab ko yung opportunity na saktan pa lalo yung sarili ko.
Naalala ko yung first time na tabihan niya ako. Di ko inaasahan yun. Hiyas ng Wika kasi nun, wala kaming ginagawa. Ayaw naming manuod sa Gym, may program kasi. Ang init kaya dun, kaya adun kami sa main building ng school, nakaupo sa sahig. Nakikinig ng iPod. So ayun, tumabi siya, Sakto ang kanta, If I Was The One by Ruff Endz. Sakto talaga bawat linya eh. 'Someday I pray that I'll find the strength, to turn to you and say, If I was the one who was loving you baby, the only tears you've cry would be tears of joy.' Tsaka ito, "If I was the one in your heart.''
Naalala ko nung dalawa lang kami sa gym, nakaupo sa mga monoblock chairs. Nakikinig ulit ng iPod. Di ko na maalala yung pinakikinggan namin. Tapos bigla siya tinawag ni Harry, amp yun. Panira ng moment. Basketball daw sila. Ayaw niya pa akong iwanan ako pero sabi ko ayos lang, uuwi na rin naman na ako. Ngumiti siya sakin sabi niya, tignan mo, para sa'yo tong ishu-shoot ko na three points. Napangiti ako palihim nung tumakbo na siya papuntang court. Dun sa line ng three-points. Tumingin siya sakin, tapos sa may court then he shoot the ball, ring less, lumingon siya sakin then he flashed his fucking killer smile.
Naalala ko niyaya ko siyang magsimba, he said yes. Kinahapunan, he texted me na mag-iinom lang sila ng tropa niya. I said no, sinabi ko ring na magagalit ang girlfriend niya. Pero matigas ang ulo hindi ako sinunod. Then kinagabihan he texted me again, asking me for my landline number, tatawag daw siya. Binigay ko naman. Tumawag siya minutes later. Rinig sa kabilang linya ang ingay, kasiyahan at kalokohan. Pero may hindi ako inaasahang marinig. Sabi niya, "Akala nila si Elizabeth ka kaya sila naghihiyawan." Nalungkot ako bigla. Syempre, pumeke ako ng tawa. Nag change topic ako. Kahit masaya yung topic nun, hindi niya alam nagpupunas ako ng luha. Masakit kaya,
Then, after ng conversation. Hours after he texted me again, saying he can't make it tomorrow. He's to drunk daw, Suka nga daw siya ng suka. Pinagbigyan ko sabi ko, sige next time na lang. Not knowing na wala na palang next time.
Kinagabihan ng kinabukasan. (LOL.) Nakatext ko yung isa ko ring dating bestfriend, girl naman ito. She said nanggaling sakanila si Kim and Elizabeth. I was like shock. Akala ko ba mag-stay lang siya sa bahay? Akala ko ba hindi siya aalis? Akala ko ba... Akala ko....
Nagtampo ako sa kanya. Hindi ako nag-text. Hindi ako nagparamdam. Galit ako sa kanya. Sinungaling siya. Sa panahong ito, bulag pa rin ako na ito na yung mga signs na kaya niya akong iwanan para sa girlfriend niya.
Naalala ko kinabukasan, iniwasan ko siya. Hindi ko siya pinansin. Matatapos na ang break time namin nun, nag-cutting na naman siya para kay Elizabeth. Hindi ako kumikibo. Umalis na ako, umakyat sa taas. At kamalas-malasan nga naman. Nakalimutan kong bumili ng construction paper. Bumaba na naman tuloy ako, praying that he won't notice me. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Nakita akong bumibili, lumapit sa akin. Pinalambot ang nagmamatigas na puso ko. Hinding-hindi ko makakalimutan yung mga sinabi niya...
" Ciara, patawarin mo na ako. Please! Promise hindi na kita kukulitin, patawarin mo lang ako! Sige, ganito na lang, patawarin mo lang ako lalayo na ako. Sige na!"
Hindi ko pa rin pinansin kahit pinagtitinginan na kami ng tindero't tindera sa bookstore ng school. Umalis ko pagtapos kong magbayad. Pinagpapawisan na talaga ako ng sobra-sobra. Patuloy pa rin siya sa pagbuntot at pag-sorry. Pinapaypayan niya pa nga ako. Natatawa na ako sa ginagawa niya. Napansin niya pala. "Dali na! Uyyyy! Natatawa na siya sakin! Bati na kami niyan!" Deadma pa rin ako. Papakyat na kami, nasa likuran namin si Elizabeth. I even heard her say, "Ciara, patawarin mo na Beshy mo."
Naalala ko pang sobrang bilis ko ng maglakad, he kept his phase with me hanggang tumapat na sa classroom ko na katapat ng classroom niyang, hindi niya pinasukan. Nakita siya ng mga kaklase niya kaya napatakbo na siya papalayo. Natawa ako. TAE. Ang dali niyang patawarin, ang sakit,
Naalala ko ng may Dodolon Amusement Center pa sa Lotus Mall, andun kami sa VIP room dahil mahilig kaming magkantahan. Magkaabi kami ni Kim, nagbabasa ng text messages ng babaeng may gusto sa kanya, 1st yr lang yun, 2nd yr kami ng time na yun. I actually admired her, ang lakas ng loob niyang mag-confess. Samantalang ako, abot kamay na, hindi pa rin kaya. Nakasandal yung ulo ko sa balikat niya at nagbabasa ng text, tawa kami ng tawa. Nakakatawa naman kasi talaga yung pinagsasabi niya. Naalala ko nung araw na yun, feeling ko 'kami'. Kasi kami yung palaging magkasama nun eh.
Naalala ko nung may sakit siya. Absent si Elizabeth. Ako yung nag-alaga sa kanya sa school, nangungulit sa kanyang isuot yung jacket niya. I ended up wearing it instead. (LOL) Nagpapaalalang inumin yung gamot niya. Taga-check kung mataas temperature niya. Nurse na nga, parang girlfriend pa. Substitute kumbaga.
Naalala ko pang tinanong ko siya. "Mahirap ba akong mahalin?" Nagmaganda ako, nagtapang-tapangan para tanungin siya. (LOL.) "Hindi naman. Actually, ideal ka nga eh. Strict ka sa mga bisyo, isa sa mga gusto. Malambing. Makulit. Mapagmahal. Kaya ka nga minahal ni Alex." (LOL.) Naisip ko. Bat napunta sa usapang ito ang ex ko?!
Naalala ko nung nasugatan siya. Nagtaka ako, bakit hindi siya tumakbo sakin? Mas malapit naman siya sakin? Bakit kay Jazmine? Bakit sa kanila lang? Parang lumalayo siya sakin?
Hindi ko alam. Ito na pala. Lumalayo na pala talaga siya.
Naalala ko isang beses, bago pa nangyari itong paglayo niya, close na close pa kami nun, I asked him something. "Sino ang pinakabestfriend mo sa lahat ng bestfriend mo?" He said, ikaw, 99%. Sabi ko bakit 99% lang. He said yung iba para sa 1%. Natawa ako. Importante pala talaga ako sa kanya.
Pero nung medyo nagkakalabuan na. Tinanong ko ulit siya. "Sino ang pinakabestfriend mo?" he said, Kayo ni Anamy. I asked ilang percent na lang. He said tigkalahati. So 50%? Ganun na lang?! 50/50 na rin pala ang pagkakaibigan namin nung oras na yun.
Isa sa mga huling alaala ko sa kanya. Nagkasalubong kami sa harapan ng Lotus Mall. Pumapasok pa rin siya sa school, malabo na ang lahat sa pagitan namin. Magulong-magulo na. Pinagsalubong kami ng tadhana. Walang tinginan. Nilagpasan namin ang isa't isa na parang walang friendship na namagitan sa amin. Tapos na nga ang lahat.
Tama nga sila. Makikita mo yung tao pero hindi mo na mababalikan yung dating pinagsamahan. Makikita mo nga araw-araw yung lugar pero hindi mo siya kasamang nagre-reminisce. Kumbaga parang isang bintana na lang siya kahapon. Dapat ng isara, dapat ng kalimutan.
9:36:00 AM