May ishi-share ako, isang malungkot na istorya ng pagmamahalang nauwi sa isang trahedya. Mga people, totoong nangyari ito sa tunay buhay.
Last year. May napabalitaan na dalawang alum ng school namin na namatay sa may intersection ng Daang Hari at Emilio Aguinaldo Highway. Mga students sa La Salle Dasma yung mga yun. Namatay sila dahil may driver ng isang private vehicle ang hindi nakakita sa kanila kaya nabangga nito sila.
Tumalsik sila sa lakas ng impact. Nasira ang bike na sinasakyan nila... Dinala pa sila sa ospital pero para dun sa lalaki, huli na ang lahat. Dead on arrival siya.
Naikwento sa amin ng girlfriend nung kuya nung namatay yung mga ilang nangyari bago sila namatay...
Kuhaan daw nun ng classcard nila. Parehas silang mataas ang nakuhang grades. Pumunta sila sa bahay nung lalaki. Nag-computer pa daw sila, nag-friendster pa. Eto yung pinaka nakakapanindig balahibong naikwento sa amin eh bago umalis yung dalawa, pinalitan pa nung babae yung shout out niya sa friendster and parang sinasabi na, I'll die when you die, parang ganun.
Yung guy, pinapakita sa nanay niya yung classcard niya pero sabi nung nanay, next time na daw. Nagpaalam na silang umalis, ihahatid pa kasi nung guy yung girl sa bahay niya. Ewan ko kung bakit nag-bike pa sila.
So ayun, sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, nabangga sila. Masyadong mabilis ang mga pangyayari... Yung driver ng sasakyan, isang bata-batang engineer. Sinasabing hindi sila nakita.
Isinugod sila sa ospital pero Dead On Arrival yung lalaki. Yung girl naman nagising but when she found out na wala na yung guy... nawala na rin siya. She did died, tulad ng sabi niya dun sa shout out niya.
Grabe. Nung kwinento sakin to nung ate ko na tropa yung girlfriend nung kuya na namatayan. Kinilabutan talaga ako. Kasi since highschool pa sila eh. They really do love each other.
Nung nalaman nga daw nila yun, nasa kalagitnaan daw sila ng outing. May tumawag sa kanila, yun nga sinabing naaksidente. Hindi na daw sila nag banlaw galing sa swimming at nagbihis diretso. Nag-jeep pa sila, lahat daw nakatingin sa kanilang magbf kasi iyak sila ng iyak.
Pagdating daw sa ospital, nagwawala na yung kuya na namatayan. Hinahanap yung kapatid niya, which is yung guy na patay na. May dumaan na kama, tinanggal niya yung white cloth, nung hindi niya mamukaan, binalik niya yung puting tela, not knowing yun na yung kapatid niya. Sobrang laki daw nung damage na naidulot sa kapatid niya.
Yung mom naman nung namatay na lalaki. Napakalaki ng pagsisisi. If only she knew na kapag tinignan niya yung classcard ng anak niya eh mas hahaba pa ang buhay nun, if only she knew na bike lang ang gagamitin pipigilan niya ito at aabutan ng pamasahe, if only she knew na mawawalan na siya ng bunso... she would do anything to stop it. Pero, huli na ang lahat. Parehas na silang wala.
Naikwento rin sa akin na yung puntod nila eh magkatabi. Sabi kasi ng parents nila, siguradong magugustuhan ng mga anak nila yun. Forever silang magkatabi. Hindi lang sa puntid pero hanggang sa langit...
In Loving Memories of JC and Carlene...