doodles on my scratch paper~
Saturday, August 22, 2009
Umaasa pa rin akong babalik ka.
Aasa. Kaya mo ba?
Ako, kinaya ko.
Umaasa. Hanggang ngayon?
Sobra. Hanggang ngayon.
Umasa, Hindi pa.
Hindi pa kasi ako tapos sa 'umaasa' part.
Masakit ba?
Oo naman. Kahit alam mong wala ka ng saysay sa kanya, tuloy ka pa ring umaasa. Umaasa sa taong hindi ka na naaalala.
2 years na pala. Hindi ko akalaing hanggang ngayon siya pa rin. Hahaha. TAENA. Ang adik naman. 2 years na eh, siya pa rin? Grabe namang pag-asa yun!
Pero sa araw-araw na sinasariwa ko ang nakaraan. Parang kahapon lang ang nagdaan. Teka nga, may nakaraan nga ba talaga? Oh. Wala nga pala.
Bestfriend nga lang pala ako sa paningin niya. Isang bestfriend na inaakala niyang on-of-the-boys na nakakaintindi sa mga kalokohan niya, kausap sa mga bagay na hindi naiintindihan ng isang babae, at takbuhan niya sa tuwing sinasaktan siya ng girlfriend niya.
Akala niyo ba madali? Hindi no! Ang hirap kaya! Kaya mo bang ngumiti bawat oras na nasa harapan mo siya pero ang nararamdaman mo ay sobrang sakit.
Makita mo nga lang na magka holding-hands sila eh, akala mo mamatay ka na, TAENA. Ang emo.
Kung ang pagpigil ng luha ko sa harapan niya, masakit na. What more kapag humihingi siya ng tulong para magkaayos sila diba?
Ako namang si tanga, oo lang ng oo. Sige lang ng sige. Makita lang na masaya siya, ayos na.
Akala ko sooooobrang magtatagal yung pagiging bestfriend namin. Yun pala, hindi. But it was for the worst.
Bigla na lang siyang umiwas, wala akong kahinahinala... Alam na niya pala. Alam na pala nila yung nararamdaman ko. Apparently, may nagsumbong. 'I never should've trusted someone about my feelings towards him.' Yan ang lagi kong iniisip.
Kapag naaalala ko yang nakaraan na yan. Iniisip ko yang, 'darkest days' ng buhay ko.
Bakit? Ipagkalat ba namang nanulot ako? Ipagkalat ba namang malandi daw ako? Ipagkalat daw bang nakipaghalikan ako?
Lahat naman yan kasinungalingan eh.
Wala akong sinulot. Wala akong nilandi. At higit sa lahat, birhen na birhen ako pati labi ko!
Kung ano-anong tsismis ang kumalat. Kung ano-anong paratang ang natanggap.
Hindi ko alam, may mas malala pang darating...
Dahil sa mga nangyari nuon sa school ko, hindi na ako nagpapapasok ng school, kung wala ako sa school nasa net shop ako kahit naka uniform. Kung nasa school naman ako, nasa library ako pero hindi naman pumapasok sa klase. Hanep no?
Unfortunately, hindi lang ang pag-aaral ko ang naapektuhan. Pati ang kalusugan ko. Bigla-biglang sumasakit yung dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. May sakit na pala ako. Kung hahawakan mo ang dibdib ko, makakapa mong hindi pantay. Astig eh no?
Nung mga panahong iyon, dun ko na-appreciate yung mga taong mahal pala talaga ako. Ang pamilya ko at yung dati kong manliligaw na binasted ko. LOL.
Ngayong 2 years na ang nakalipas, unti-unti na kaming nagkakaayos nung girlfriend nuon ng bestfriend ko. Pero siya na lang ang hindi... umaasa pa rin akong siya ang lalapit. Siya ang manghihingi ng sorry.
Sorry na lang ako, malas ako eh. Manhid yung minahal ko.
Naalala ko nung nagkita kami, a year ago. Nagkatitigan kami sa entrance ng mall. Sa Lotus mall sa Imus. Umiwas ako ng tingin tapos pumasok ako agad. Nagpatagal ako sa loob ng mall, umaasa na sana umalis na siya.
Pinilit ako ng tropa ko na lumabas na, baka nga naman wala na eh. Ano bang malay ko, unless makita ko diba? As if namang paglalaan niya ako ng isa pang tingin.
So yun nga, lumabas kami. Sa ibang direksyon ako tumingin ng nalaman kong nakatambay pa rin siya sa gilid ng mall kaya binilisan ko ang lakad ko. Binulungan ako ng tropa ko... 'Tinitignan ka niya.' I didn't bother to look back. Ayoko na. Tama na. Masakit na. Bakit kailangan niya pa ulit magpakita diba? Akala ko kasi ng mga panahon na yun, wala na akong nararamdaman sa kanya. Hindi pala siya pa rin pala.
Sobrang bilis ng paglalakad ko nung oras na yun, malapit na ako sa sakayan ng jeep ng makita ko siyang papalapit. Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo. Defense mechanism siguro. Ayaw na siya ng utak ko, pero gusto pa rin siya ng puso ko.
Nung isang araw, naka-chat ko si KC, Keila at Shobe. Tungkol sa pagiging martyr ang napag-usapan. Natatawa ako sa mga sinabi ko. Parang hindi ako nagdaan sa experience na yun. Pero napansin ko rin napaka-bitter kong magsalita. Walang ya.
Nakapag usap-usap na makipagpalitan ng pics ng mga lalaki. Picture niya ang naisip kong ipost. So yun, hinanap ko yung friendster niya. Nagulat ako ng makita kong 'PRIVATE PROFILE'. Biglang bumagsak yung luha ko. Di ko maintindihan. Taena. Hanggang ngayon siya pa rin pala.
Nag emote ako. Mukha akong gago. Nag emote ako sa mga ka-chat ko.
Biglang may idea na pumasok sa utak ko. Bakit siya magiging PRIVATE PROFILE kung nahanap ko siya 'friends in common' ngmin nung kaklase ko?!
Naalala kong nagloloko pala ang friendster nun. Napaisip ako. So parang pinagtitripan ako ng tadhana? Umiyak ako dahil sa letsugas na akala ko binura niya ako sa list niya, yun pala kagaguhan lang ng FS! AMP.
So na isip ko... TANG INA. Umaasa pa rin akong babalik ka.
Ayoko na. Ang hirap ng umasa
Labels: Love. Heartbreaks.
3:47:00 PM