doodles on my scratch paper~
Monday, September 7, 2009
JABBAWOCKEEZ FEVER.
JABBAWOCKEEZ FEVER, nahawaan ako nian! Sobraaaa!
Pumunta kami sa Glorietta, tae. Anong oras na nun?! 5:30 PM na, eh ang start nun 6:00 PM. Sabi naman ng bf ng Ate ko, hindi pa daw yung magsisimula kasi wala pa daw siya dun, kasama daw kasi siya sa Jabbawockeez, hahaha! KAPAL.
Nagtanong-tanong kami sa guard kung saan yung venue ng performance nila. Sabi sa baba daw, nasa taas kasi kami nun eh. Binaba tuloy namin yung two floors, nagulat kami narinig naming nagsisigawan na. Binilisan ko yung lakad ko, tinatawanan ako nila Ate, halata daw na excited na ako. Hahaha. Sino bang hindi?! So ayun, pagkalabas na pagkalabas namin sa pintuan. Ang nasabi ko lang, "Shet. Ang daming tao."
Sobrang dami ng tao promise! At sa pagkakaalam ko, malamig nun eh, naka-jacket pa nga ako eh. Pero pagdating ko dun, huwaw, dinaig ko pa ang nasa Sauna! Sumiksik kami sa kumpol-kumpol ng tao. Partida, sugatan pa yung paa ng ate ko, pagaling pa lang. Kaya lang sa kalagitnaan ng pagsiksik namin, kumakanta na si Billy Crawford! At napansin naming hindi namin makikita ang Jabbawockeez sa pwesto namin!
So nag-retreat kami. Balik kami sa entrance ng mall, huminga onti. Tapos sumabak na ulit kami sa gyera. Hahaha. Pumunta kami sa kabilang side, pumwesto kami sa may malapit sa projector. Sakto namang kita sa pwesto namin yung stage, si Ate at Kuya lang ang nakakakita. AMP. Paano naman ako? So ayun, naawa si Kuya, nagulat ako nilagay sa ilalim ng kili-kili ko yung kamay niya at binuhat nga ako. Nakita ko na sila! Weee! Dalawang beses akong binuhat ni Kuya. Para makita sila. Amp nga eh, dyahe, pawisan kaming lahat! So ibig sabihin, basa ang kili-kili ko, hahaha! Salamat na lang at mabango ang aking Deodorant at effective. Walang putok. Hahhaa.
Anyways, natapos ang sayaw nila sa kanilang Finale na ang tugtog ay Knock You Down. Parang naglalakad lang sila. Hahha. tapos pagharap saka tinanggal yung mga masks nila.
Si Kaynan Paguio yung nagsalita on behalf of the group, pinakilala niya lahat. Nakaktuwa nung nagtagalog siya. Sabi niya, "Maraming salamat sa inyong lahat!" Tapos si Billy nagtanong kung sino gustong bumalik sila, halos lahat nagsitaasan ng kamay. Sino ba namang hindi papayag diba? Pinoy pride kaya sila! >______________<
Tapos nagulat kami biglang sumigaw si Kaynan, "Say Hey!" Edi gaya naman yung audience, "Hey!". Paulit-ulit lang yun. Tapos biglang sumigaw ulit, "Say Baba-eh!" Sigaw naman yung lahat na halong natatawa. Tapos bago sila umalis, syempre pinakita muna nila yung sign nilang ONE FOR GEE.
Grabe, worth it, kahit hindi kami sa harapan nakapwesto. Yung feeling lang na nandun ka at kasama ka sa history nung una nilang pagperform dito sa homeland ng 4 na Jabba. So, sana sa uulitin, nasa harapan na kami para mas masaya! >________________
Nagbigay sila ng Michael Jackson Tribute Routine, remix siya ng PYT, Rock With You (which is my favorite), tapos iba pang MJ songs. Sinayaw rin nila yung Apologize, kaasar nga eh, dinumog yung pwesto namin. Mura na ako ng mura dahil sa mga ulong nakaharang sa view ko. Tapos sobrang tumili ako kasi unexpected talaga sa part ko na sayawin nila yun Love In This Club Remix. Nakakakilig kasi! Hahaha! Ang kulit pa nung routine! Pati isa sa mga fave kong sayaw nila eh yung Lean With It, Rock With It. Lahat talaga, as in yung buong crowd sumasabay sa kanta.
Labels: Jabbawockeez.
12:45:00 PM