doodles on my scratch paper~
Tuesday, September 8, 2009
Kilig. Ako'y kinikilig. >________<
It's been a long time since naramdaman ko yang feeling na yan. At kanina, naramdaman ko ulit ito. Mababaw kasi ako eh. Pero hindi inaakalang papakitaan niya ako ng shining shimering splendid niyang killer smile! >_________<
Kasi naman eh, hindi naman ako treasurer pero sa akin nagbayad yung mga officers ng section namin para sa Soc-Sci. Eh naawa naman ako dahl ang haggard na ng mga mukha nila kaya pumayag ako. Naisip ko naman, shet! BWAHAHA! Masisingil ko si crush!
Kaya ayun, ang dami ko ng na singil pagdating ng Bookkeeping. Pumunta ako sa likuran kung saan siya nakapwesto kasama ng tropa ko. Siningil ko siya.
Nagulat ako ng ngumiti siya! Tapos tinanong niya kung magkano, syempre sabi ko sampu. Ngumiti ulit! TAE. Pa-cute talaga! Feeling ko hihimatayin ako nun! A smile is creeping on my face!
Tinanong niya naman kung magkano lahat-lahat. So umalis ako sa harapan nila at pumunta sa ibang officers at ayun, 100 daw per person! May 10 peso kick-back yan! (LMAO)
Bumalik ako sa kanila at syempre baon ang aking killer smile din, kaya ayun, hahaha. Nginitian niya ulit ako. Hayyy~ Kilig.
Kaya lang, madaling binawi yung kilig ko. Lumabas siya kasi tinawag siya ng gf niya. AMP. Panira talaga ng moment yung bitch na yun. :D
Sana bukas may kilig factor ulit! >________________<
10:37:00 PM