doodles on my scratch paper~
Thursday, December 31, 2009
Revenge. >:D
Revenge. Yep. Thant`s the word.
Para sa mga taong nasaktan, lumuha at binigo ng salitang pag-ibig,
galit at sakit lang ang nangingibabaw nilang nararamdaman.
Syempre andun pa rin ang pagmamahal, pero dahil nasaktan ang pride mo at dahil natapakan ang ego
mo, hindi ka naman siguro papayag na ganun-ganun na lang, at makikita ko na lang siyang masaya sa iba, habang ikaw, miserable sa buhay...
Diyan papasok ang salitang 'PAGHIHIGANTI.'
May ibang pumapatay, nanlalason, namamahiya at gumagawa ng paraan para maging miserable din ang buhay ng kanilang dating iniibig.
Pero, meron naman ding ang paniniwala ay...
Well the best revenge you can make is to show him that you are happy and flirt with someone who is better than him. Stay connected with that cripazoid and and make your self more beautiful. - WikiAnswers.com
Ihalimbawa na lang natin ay ako. 
Kahapon nangyari ang pinaka-nakakagagong pangyayari sa tanangbuhay ko.
And I`ve decided to cut my hair short. Nag- thread mill ako to stay fit. Naglagay ako ng moisturizer bago matulog. At higit sa lahat... Nag mind set ako.
Determinado akong ipakita sa kanya na mali ang ginawa niya sakin, na hinding-hindi ko na siya iiyakan, na kaya kong mabuhay ng wala siya at higit sa lahat...
Marami pa akong malalandi diyan. 
Malalapasan din natin to! Mga lalaki lang yan! Mga gagong walang magawa sa buhay kundi mag magwapo... wala namang utak.
9:22:00 AM